CHECK THIS OUT:

Search

Lolo, niregaluhan ang mag-asawa ng mahigit P700-M dahil sa pagbibigay ng lalaking apo

Mapapa-sana all ka na lamang sa isang mag-asawa mula sa Hong Kong na nakatanggap umano ng 100 million yuan o mahigit P700 million nang dahil lamang sa pagsisilang ng lalaking apo.


Ang mag-asawa ay sina Ming Xi, isang Chinese supermodel, at Mario Ho na apo ng Macau casino magnate na si Stanley Ho. 


Ikinasal ang dalawa noong 2019 na agad namang nagbunga ng lalaking sanggol na pinangalanan nilang Ronaldo.


Ayon sa mga hindi pa nakukumpirmang balita, nakatanggap ang mag-asawa ng naturang halaga ng pera mula sa lolo nilang si Stanley bilang pasasalamat sa pagbuo at pagsilang ng lalaking sanggol sa pamilya Ho halos puro kababaihan.


Bukod dito, nang ikasal umano ang dalawa, nakatanggap pa si Xi ng isang mansion na may halagang HK$500mil (mahigit 3.7 billion sa peso) mula sa pamilyang Ho.


Bagama't ang mga ito ay pawang ispekulasyon lamang ng publiko at ng media, hindi imposible na may katotohanan ang mga impormasyong ito lalo pa at tunay na mayaman ang pamilyang Ho.


Sa katunayan, ang businessman na si Stanley ay mayroong apat na asawa at 17 anak na pinangakuan niya umanong mabibigyan ng 100 mil yuan kung matagumpay silang makapagbibigay ng bagong miyembro sa kanilang pamilya.

Source: Today, 8 Days


No comments:

Post a Comment