CHECK THIS OUT:

Search

Laksa-laksang alamang binalot ang dalampasigan sa Casiguran, Aurora

Isang hindi inaasahang biyaya ang dumating sa mga taga Casiguran, Aurora matapos dagsain ng napakaraming alamang ang isa sa kanilang mga dalampasigan.


Sa mga larawang ibinahagi ng Facebook user na si  Fronda Donna, makikitang halos takpan na ng mga alamang ang bahagi ng dalampasigan sa Sitio Busok-busok sa Barangay Cozo.


Ayon sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News, normal lang na nangyayari ang pagdagsa ng mga alamang sa kanilang lugar.


Kadalasan, kumukuha lamang sila nang sakto para sa kanilang ulam habang sariwa pa ang mga ito at saka na hahayaang muling anurin ng alon hanggang sa mawala.


Marami naman sa mga netizen ang natuwa at nagbigay ng ilang suwestiyon kung ano klaseng putahe ang pupwede sa mga alamang.


"Masarap 'yan gawing bagoong, o okoy. Pwede rin pansahog sa gulay. The best," saad ng isa sa mga netizen.


No comments:

Post a Comment