CHECK THIS OUT:

Search

Bearwin Meily, napilitang ibenta ang bahay dahil hindi na kayang bayaran

Kasabay ng humihinang karera sa showbiz at umiiral na pandemya, napilitan ng ibenta ng komedyanteng si Bearwin Meily ang kanilang pinangarap na bahay dahil sa kakulangan sa pera.


Sa isang vlog na inilabas ni Ogie Diaz, kung saan personal niyang kinamusta ang dating katrabaho sa Taytay, Rizal, inamin ni Meily ang mga dinanas niyang paghihirap bago pa man magkaroon ng pandemya.


Naging matumal ang pasok ng trabaho kay Meily sa show business hanggang sa tuluyan ng nawala pati ang iba niya pang mga raket simula noong magkaroon ng COVID-19.


“Bago pa man mag-pandemic, tinamaan na ko. Bago pa naman mag-pandemic, hindi na ko nabibigyan ng chance sa TV. Huli natin yung ‘Home Sweetie Home,’” pagbabahagi ng komedyante.


 Matagal na panahon ng nabili ni Meilyy ang kaniyang dream house para sa kaniyang pamilya ngunit naharap sila sa matinding pagsubok nang matalo siya sa pagkakonsehal noong 2019.


“Tumakbo akong konsehal dito sa Taytay. Hindi rin naman pinalad. So at first maghahagilap ka. Pero kapag wala ka nang aasahan dito, walang industriya, walang trabaho, hindi ka nanalo, so wala kang ibang kakapitan kung 'di ang Diyos,” emosyonal na sabi ni Meiley.


Dahil wala ng pambayad, napilitan ng ibenta ni Meily ang naipundar niyang bahay dahilan upang mangupahan ang kanilang pamilya.


Bagama't nawala ang isa sa kaniyang pinagsumikapang makuha, mas gumaan daw ang pakiramdam ni Meily lalo pa at wala na siyang iisipin pang malaking bayarin.


Kasalukuyan niya ngayong pinapatakbo ang kaniyang corn dog business at muling nagsisimulang bumangon.


“Kumbaga, dati stressed na stressed ka, ngayon when you surrender everything sa Diyos, tanggap mo ‘yong sitwasyon na hindi ka na ngarag, naghahabol sa bayarin mo kasi wala ka nang malaking babayaran kasi nangungupahan ka na lang. Not like 'yung bahay na malaki. Naka-loan 'yon eh. Malaki talagang halaga,” saad ni Meiley.


Source: ABS-CBN News


No comments:

Post a Comment