CHECK THIS OUT:

Search

Biktima ng 'fried towel' ipina-Tulfo ang Jollibee

Umabot sa programang Raffy Tulfo in Action ang reklamo ng isang babae na nakatanggap umano ng "fried towel" sa halip na fried chicken mula sa isang branch ng Jollibee sa Bonifacio Global City.


Sa episode ng RTIA na inilabas noong Miyerkules (Hunyo 2) ay ibinahagi ng biktimang si Angelique Perez ang kwento sa likod ng kaniyang viral post sa Facebook na kung saan makikita ang nasabing fried towel.


Ayon kay Perez, nais lamang niyang magbigay ng kaalaman sa mga tao lalo pa at marami ang tumatangkilik sa Jollibee.


Sa katunayan, siya raw mismo at ang kaniyang pamilya ay nawalan na ng tiwala sa naturang fastfood chain. Hindi rin daw mabura sa kaniyang isipan ang itsura ng natanggap niyang fried towel.


Nang linawin ng host na si Raffy Tulfo kung may habol ba itong danyos, hindi nagbanggit ng halaga si Perez ngunit inamin naman niya na ikinokonsulta niya pa ito sa kaniyang abogado. 


"Ang worth ko for sure hindi lang isang chicken joy at isang palabok. Pero hindi ko pa alam ngayon. Pero hindi ako isang chicken joy at isang palabok. Hindi lang yon dapat ang kapalit," sabi ni Perez nang sagutin ang tanong ng isang netizen kung magkano ba ang kaniyang hinihinging halaga.


Tumangging makipag-usap ang Jollibee sa RTIA ngunit ayon kay Perez ang mismong manager ng branch kung saan nanggaling ang fried towel ay humingi na ng paumanhin. 


Source: Raffy Tulfo in Action


2 comments:

  1. Wlang wla na gaπŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€para gumawa Ng gimikπŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€

    ReplyDelete
  2. Dapat matukoy kung san nanggaling ang towel, sa jollibee ba?, Sa driver ng grab? Or sa customer?? Para di na maulit at managot ang dapat managot...

    ReplyDelete