CHECK THIS OUT:

Search

Gay-lesbian wedding viral ngayon sa social media


"True love wins."


Ito ang pinatunayan LGBTQIA+ couple na sina Tiffany Futari at Letli Evangelista  matapos nilang magpakasal nito lamang Hunyo 23 sa Calamba, Laguna.


Ang mismong nagkasal pa sa dating mag-nobyo at mag-nobya at ngayon ay mag-asawa ay ang alkalde ng Calamba na si Mayor Justin Marc SB. Chipeco.


Base sa mga ibinahaging larawan ni Tiffany, isang gay, suot niya ang isang eleganteng wedding gown habang gwapong-gwapo naman si Letli, lesbian, sa kaniyang beige-colored suit.


Ayon sa mag-asawa, dalawang taon na silang nagsasama sa iisang tahanan. Kapwa suportado naman ang pamilya ng bawat isa sa kanilang relasyon.


Maraming netizens naman ang natuwa sa pag-iisang dibdib ng dalawa dahil sila ang patunay na walang kasarian ang pag-ibig.


Gayunpaman, marami rin ang pumuna ang nagpakita ng pagkadismaya sa ginawang kasalan ng  LGBTQIA+ couple lalo pa at hindi raw umano ito katanggap-tanggap sa mata ng Diyos.

2 comments:

  1. Pwd nman tlaga yan kasi lalaki at babae may chance cla mgkaanak feling lang nila bakla at tomboy pero ngaun blik na cla sa tunay na lalaki at babae para mgkaanak.

    ReplyDelete