CHECK THIS OUT:

Search

4-anyos na bata, patay matapos magulungan ng van nang 2 beses

Binawian ng buhay ang isang apat na taong gulang na lalaki mula sa Angono, Rizal matapos siyang magulungan ng van nang dalawang beses noong Miyerkules (June 23).


Base sa ulat ng "24 Oras," kinilala ang batang biktima bilang sa John Alden Austria at ang driver ng van na si Jose Rommel Gragera.


Sa isang CCTV footage, makikitang paliko ang puting van na minamaneho ni Gragera nang biglang sumulpot at tumakbo si Austria sa kanang bahagi ng sasakyan.


Nasapul ito ng van hanggang sa magulungan ng dalawang beses ang bata dahilan upang humandusay sa daan at magsuka ng dugo.


Agad namang lumapit kay Austria ang mga taong nakasaksi sa insidente at saka isinakay sa van para dalhin sa ospital. 


Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival ang bata. Nadatnan na lamang ito ng kaniyang mga magulang sa ospital na wala ng buhay.


Ayon sa ina ni Austria, hindi nila alam na lumabas pala ng bahay ang bata at saka humabol sa kaniyang lolo matapos nitong magpaalam para kumuha ng tubig habang sila ay kumakain.


Humihingi naman ng paumanhin si Gragera. Aniya, hindi niya napansin ang bata dahil sa liit nito. Nakahanda naman daw siyang sagutin ang gastusin sa pagpapalibing.


Gayunpaman, nasa kulungan na ngayon ng Angono Police ang suspek na sinampahan ng kasong wreckless imprudence resulting to homicide.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment