CHECK THIS OUT:

Search

Babaeng nasabugan ng LPG at itinampok sa KMJS, pumanaw na

 


Namayapa na ang babaeng nasabugan ng LPG at itinampok sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" kahapon lamang, Linggo (June 27).


Kinumpirma ng mga kaanak sa pamamagitan ng social media ang pagpanaw ng biktimang si Sharmaine Gad noong Sabado ng umaga (June 26).


Ayon kay Azami Capili Encabo, kapamilya ni Sharmaine, biglaan ang naging pagkawala  nito. 


Nanghina at tuluyang namayapa si Sharmaine pagkatapos nitong lumabas sa operating room kung saan nilinisan ang kaniyang mga natamong sugat mula sa pagkasabog ng tangke ng kanilang gas.


Hunyo 18 nang simulang ipasok sa ospital ang biktima bunsod ng nakuha niyang 2nd degree burn mula ulo hanggang paa nang mangyari ang insidente ng 12:30 ng hating gabi.


Ayon sa kwento sa KMJS, mag-iinit lamang sana ng tubig si Sharmaine nang biglang sumabog ang kanilang LPG na naging sanhi ng kaniyang pagkasunog.


No comments:

Post a Comment