CHECK THIS OUT:

Search

Pro-DU30 Vlogger, arestado dahil sa paninira kay Isko Moreno, Manny Pacquiao, at iba pang personalidad

 


Sa kulungan ang bagsak ng isang vlogger mula sa Baguio City dahil sa kasong cyberlibel dala ng kaniyang mga kontrobersiyal at maaanghang na pahayag kontra sa mga kilalang indibidwal sa bansa.


Naganap ang pag-aresto kay Niño Barzaga alyas "Boy Mura" noong Hunyo 23 sa isang bahay sa  Brgy. Lourdes Ext., Baguio City sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Trese Wenceslao ng Cabanatuan RTC Branch 28 para sa 3 kaso ng libel noong 2018.


Kasama sa mga tinuligsa at siniraan ng kilalang pro-Duterte vlogger ang alkalde ng Maynila na si Francisco "Isko Moreno" Domagoso, senador Manny Pacquiao, Raffy Tulfo, at Gabriela Representative Arlene Brosas.


Gayunpaman, sa video na inilabas ni Police Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. ng MPD Special Mayor's Action Team, makikitang inamin ni Barzaga na inutusan lamang siya upang siraan si Domagoso.


Hindi pa malinaw ngayon kung nasa kustodiya pa rin ng Baguio City Police si Barzaga o nailipat na  sa MPD.


Nakatakda namang magsampa ng kaso si Brosas dahil umano sa ginawang pambabastos sa kaniya ni Barzaga nang magpanggap siya bilang si Bishop Teodoro Bacani sa telepono.

Source: ABS-CBN News


1 comment: