CHECK THIS OUT:

Search

2 taong gulang na bata sa Bataan, patay matapos mahulog sa balon



Patay ang 2 taong gulang na bata mula sa Mariveles, Bataan matapos nitong mahulog sa isang 20 talampakang balon na may tubig na may lalim na 4 feet.


Ang balon ay matagal ng hindi ginagamit ng mga residente kung kaya tinakpan ito ng plywood.


Ayon sa ulat ng GMA News, hindi namalayan ng ama na sinusundan pala siya ng kaniyang anak sa kaniyang trabaho bilang construction worker.


Posible umano na dumaan ang bata sa balon ngunit dahil sa karupukan ng plywood ay nahulog ito.


Sinubukan ng ama na sagipin ang kaniyang anak ngunit maging siya ay hinimatay dahil sa masangsang na amoy sa loob ng balon.


Bandang huli, dalawa silang ni-rescue ng barangay rescuers.


Unang nasagip ang ama habang natagalan naman ang pag-rescue sa paslit dahil sa maliit ito at nakalubog na sa tubig.


Tumulong sa retriveal operation ang mga bumbero, Municipal Risk Reduction Management Office, at rescue team ng Freeport Area of Bataan.


Nakuha ang katawan ng bata ngunit bigo ang mga rescuer na i-revive ito.


Hindi pa malinaw ngayon kung sino ang dapat managot ngunit panay ang sigaw ng ina ng bata sa kaniyang asawa kung bakit umano nito pinabayaan ang kanilang anak.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment