CHECK THIS OUT:

Search

Reymark Mariano, natupad na ang hiling na makapiling ang ama

Nag-uumapaw ang saya ng 7 taong gulang na si Reymark Mariano, batang itinampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," matapos niyang muling makapiling ang ama na halos isang taong niyang hindi nakikita.


Sa episode ng programang KMJS nito lamang Linggo (Hunyo 6), ipinakita ang madamdaming pagsama-sama muli ni Reymark at ng ama niyang si Rene boy.


Kitang-kita sa hagulgol ni Reymark at ng kaniyang dalawa pang mga kapatid ang pananabik nang masilayan nila ang kanilang ama. 


Si Rene Boy ay nagtago matapos ma-issue-han ng warrant of arrest dahil sa illegal possession of fire arms. 


Ayon sa kaniya, napilitan siyang sumuko matapos niyang mapanood ang paghihirap at mensahe sa kaniyang ng anak na si Reymark.


"Nasaktan talaga ako noong nakita siya na nag-aararo. Ayaw ko man 'yun talaga na magkaganiyan siya. Sinabi ko sa kaniya na aral lang talaga, aral," saad ni Rene Boy.


Sa kasalukuyan, nakapaghain na ng piyansa si Rene Boy ngunit kasulukuyan pang umuugong ang kaniyang kaso.


Tanging temporary liberty lamang ang ibinigay sa kaniya ng awtoridad ngunit sinisigurado niya na hindi na siya muling malalayo sa kaniyang mga anak.


Noong nakaraang Linggo, binalikan din ng kaniyang ina si Reymark bagama't tuluyan na silang hiwalay ni Rene Boy.


No comments:

Post a Comment