Marami ngayon ang na-eenganyo sa pag-iipon matapos mag-viral ng isang lalaki na nakaipon ng isang drum na P20 sa pamamagitan lamang ng pagtitinda ng gulaman at isda.
Ayon sa ulat ng GMA Public Affairs, kamakailan lamang ng buksan ng 22-anyos na si Gerdan Tolero ang drum na punong-puno ng P20 ngunit base na rin sa kaniyang kahilingan, hindi na ibinahagi pa kung magkano ang kabuuang naipon nito.
Nag-umpisa raw mag-ipon si Tolera nang masunugan sila noong nakaraang taon.
Aniya, sobrang hirap ng kanilang dinanas lalo pa at walang-wala talaga sila noong mga panahong iyon.
Upang makabangon, naisipan ni Tolero sa magbenta ng isda at gulaman hanggang sa napagdesisyunan niya na magtabi kahit papaano mula sa kaniyang kinikita.
At dahil na rin sa pagiging matipid ng binata, nagawa niyang mapuno ang isang drum ng P20 na papel.
"'Pag gumastos po ako iniisip ko kung talagang kailangan po, 'yong mga wants, luho, 'di ko po muna pinapasok. Talagang wala sa isipan ko.”
Ang pamilya ni Tolero ay isa sa mga pamilyang nawalan ng tahanan bunsod ng apoy na sumiklap sa Tondo, Manila noong taong 2020.
No comments:
Post a Comment