CHECK THIS OUT:

Search

National ID registration sa Bulacan, ipinatigil matapos dagsain ng 4 na libong tao

Napilitang ipatigil ng lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan ang national ID registration na pinasinayaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) matapos itong dagsain ng libo-libong tao.


Ayon sa ulat ng GMA News, 1,600 registrant lamang ang inabisuhan ng PSA para sa registration ng bagong ID ngunit nasa apat na libong katao ang hindi inaasahang dumagsa. 


Karamihan pa sa mga nagsipunta ay hindi pa sa sumasailalim sa unang bahagi ng National ID registration kung saan sila kukuhanan ng biometric information, fingerprint, iris scan, at litrato. 


May mga bata at matatanda rin na dumayo sa pag-asang makapagparehistro.


“Pina-suspend muna namin ‘yung kanilang operations yesterday afternoon at saka today and most probably tomorrow, suspended pa rin. Kasi nga, gusto ko sanang ang city makialam doon sa sistema nila para po maiayos natin ‘yung sistema ng PSA,” saad ni Atty. Rizaldy Mendoza, Assistant City Administrator.


Paliwanag ng PSA, ang pagdagsa umano ng mga tao ay dahil sa kumakalat nag fake news na nagsasabing huling araw na ng registration para sa naturang ID.


“Ang nangyari nagkaroon ng misinformation. May nagbalita na may magbibigay ng pera doon at huling araw na ng pagpaparehistro. Dahil doon sa mga balitang iyon, kumalat na fake news, kaya nagdagsaan ang mga tao,” sabi ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista.


Nakikipagtulungan na ngayon ang PSA sa lokal ng San Jose del Monte, Bulacan sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang matunton ang nagpalaganap ng maling  impormasyon.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment