CHECK THIS OUT:

Search

Kapatid ng babaeng chinopchop, humihingi ng tulong kay Raffy Tulfo

 

Dahil sa mabagal na usad ng kaso ng pagkamatay ng kaniyang kapatid, humihingi ngayon ng tulong ang isang lalaki sa broadcast journalist na si Raffy Tulfo upang tuluyan ng makamit ang hustisya para sa kaniyang kapamilya.


Ayon sa Facebook post ni Ronald Lopez MCdonz noong Mayo 4, karumaldumal ang naging pagkamatay ng kaniyang kapatid na si Angelie Lopez Kintanar, 37-anyos, isang  ina, runner, at real state agent.


Chinachop umano ito at itinapon sa magkakahiwalay na lugar ang iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan.


"Ang una pong nakita ay ang kanyang kanang kamay, sumunod ang katawan na nakabalot sa cling wrap tapos nilagay sa black garbage bag sa may sapa sa Talamban, Cebu City," saad ni MCdonz.



"Makalipas ilang araw nakita naman po ang kanyang kaliwang paa at nong Octobre 30 yung kanyang ulo sa Lo-oc, Mandaue City, Cebu," dagdag niya.


Base sa imbestigasyon ng awtoridad, nasa Oktubre 19-20 ang posibleng petsa ng pagpatay kay Kintanar ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nahuhuli at napaparusahang suspek.


Umaasa ngayon si MCdonz na sa pamamagitan ng pagshe-share ng mga netizne sa kaniyang FB post ay makakaabot kay Tulfo ang kaso ng kaniyang kapatid.

No comments:

Post a Comment