CHECK THIS OUT:

Search

Batang nag-aararo para makatulong sa pamilya, binalikan na ng ina

Matapos maitampok ang kwento ng batang si Reymark Mariano sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" maraming pagbabago ang naganap sa kaniyang buhay kabilang na ang pagbabalik ng kaniyang ina.


Sa episode ng KMJS noong Linggo (Mayo 30) naging emosyonal ang tagpo nang makita ni Reymark ang kaniyang ina.


Kahit na iniwan siya nito sa murang edad  bakas kay Reymark na wala siyang dinadamdam na galit o poot para rito.


Sa katunayan, masayang masaya pa ang bata dahil sa wakas ay kapiling niya na muli ang isa sa kaniyang mga magulang. 


Nasasaktan din ito sa katotohanang maraming humuhusga sa kaniyang ina dahil sa ginawang pag-iwan nito sa kaniya at pagpapakasal sa iba.


Paliwanag naman ng ina ni Reymark, hindi niya binalikan ang kaniyang anak dahil lamang sa perang ibinibigay bilang tulong rito kung hindi para punan ang kaniyang mga pagkukulang.


"Hindi po ako naghahabol ng pera, ang importante ang mga anak ko," saad niya.


Sa ngayon, tigil na sa pag-aararo si Reymark at ang kaniyang kabayong si Rabanos.


Labis din ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa kanilang pamilya upang kahit papaano ay gumaan ang kanilang pamumuhay.


No comments:

Post a Comment