CHECK THIS OUT:

Search

Anak, nagulat sa iniwang pera ng kanilang yumaong ama

"Hanggang sa huli 'tay kami pa rin iniisip mo."


Ito ang madamdaming mensahe ng isang anak na si Dy Dela Paz sa kaniyang yumaong ama na naniguradong hanggang sa kaniyang huling hininga ay hindi mamomoblema ang kaniyang pamilya.


Ayon kay Dela Paz sa kaniyang Facebook post noong Biyernes (May 28), kasalukuyan silang namomoblema kung saan kukuha ng perang pampalibing sa kanilang ama nang bigla nilang mapag-alaman na mayroon pala itong naitatagong napakalaking pera.


Nakita raw nila ito nang mahanap  ng kanilang ina ang bag na laging bitbit ng kanilang ama noong siya ay nabubuhay pa. 


"'Yung namomoblema kami [kung] saan kami kukuha ng pang palibing sa  tatay ko. Blessing na nakita ng nanay ko ang bag na laging tinatago ng tatay ko," saad nito.


Ang perang naipon ng ama ay umabot sa halagang P205,000. Ngayon nila naunawaan kung bakit ayaw nitong ipagalaw at ipalaba ang naturang bag sa kaniyang mismong asawa.


"Maraming salamat po tay, hanggang sa huli hindi nyo po kami pinaproblema. Nakakalungkot lang tay, sana dalawin mo kami para mabawasan ang sakit tay. Mahal na mahal ka namin tay. Napakabait mo sa lahat tay," mensahe ni Dela Paz sa kaniyang yumaong ama.


Marami naman sa mga netizens ang naantig sa kadakilaan ng ama ni Dela Paz at marami rin ang nakaalala sa pagmamahal ng kanilang mga magulang.


"Condolence po,naalala ko noon ang nanay ko rinn pilit na magbabayad ng insurance niya sa card bank kahit noon may sakit pa siya. Until namatay siya kaya ayun may nakuha rin po kami pampalibing nya," pagbabahagi ng isang netizen.



1 comment:

  1. Lahat ng magulang familya ang iniisip napakabute mo Tatay sana lahat ng Tatay ganyan mag isip sayo. Salodo ako sayo

    ReplyDelete