Nahaharap ngayon sa patong-patong na reklamo ang isang kagawad at dalawang pang suspek dahil sa pag-oorganisa ng illegal street boxing sa Tondo, Manila sa kabila ng pandemya.
Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras," kinilala ang mga suspek bilang sina Barangay 182 Kagawad Arnel Saenz, ang kaniyang anak na si Vincent, at ang asawa ng barangay secretary na si Lawrence Bindoy.
Base sa nakunang video, bukod sa nagsisiksikan ang mga manonood, wala ring suot na face mask at shield ang mga ito.
May mga menor de edad din edad 16 hangang 18 ang isinasabak sa ilegal na bakbakan tuwing gabi.
Paglalahad ng mga residente, hindi nila alam na mayroon palang isinasagawang illegal street boxing sa kanilang lugar. Nagugulat na lamang sila sa tuwing magkakaroon ng pagtitipon at biglaang suntukan sa gitna ng daan.
"Lahat po ng tao hindi alam, eh. Biglaan na may pagtitipon, tapos biglaang meron boxing. So ganoon, pre-planned na: magtatagpo sa isang lugar, kasado na lahat, tapos mag-boxing na," saad ng isa sa mga nakapanayam ng GMA News.
Paglabag sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases COVID-19 health guidelines, illegal gambling at game fixing ang inihain ngayong reklamo ng pulisya sa tatlong suspek.
No comments:
Post a Comment