CHECK THIS OUT:

Search

Artwork ng babaeng may down syndrome, hinahangaan online

Kinagigiliwan ngayon ang isang babaeng may down syndrome mula sa Valladolid, Negros Occidental dahil sa ganda ng kaniyang mga likhang sining na ibinahagi online.


Ang mga artwork ni Jessica Alabia,35, ay ibinahagi ng kaniyang kapatid na si Jecelle sa Facebook group na "Guhit Pinas."


Sa naturang post, pitong artwork ni Jessica ang ipinakita at lahat ay ginawa lamang niya gamit  ang bond paper at mga colored pen.


"Drawn by Jessica Alabia, having Down Syndrome condtion

Valladolid, Negros Occidental

Materials Used : Short Bond Papers

And Colored Pens,"  saad ni Jecelle.


Sa panayam ni Jecelle sa News 5, sinabi niya na 15-anyos pa lamang si Jessica ay nagpipinta na ito.


Sa katunayan, lagi nga raw itong nagpapabili ng mga gamit pangsining at saka guguhit bilang regalo sa kaniyang pamilya.


“She would ask us to buy her drawing stuff and then mag-draw siya as gifts sa amin. She basically paints anything na maisipan niya. Usually to represent her emotions, as the colors of her artworks would easily tell, she’s a happy kid," kwento ni Jecelle


And she knows how much we love her long before people heard of her or saw her works. We’re amazed at how passionate she is to her craft. We thank and praise the Lord Jesus for her,” dagdag niya.


Hindi lang ang pamilya ni Jessica ang humahanga sa kaniyang talento dahil maging ang mga netizens ay napapa-wow sa kaniyang mga obra.


"Ang ganda ng dating, like nakaka akit talaga sa mata Yung mga gawa niya. And also may sarili syang style, napaka imaginative!" komento ng isang Facebook user.


Ang mga taong may down syndrome ay talaga namang may likas na talento. May kakulangan man sila sa ibang bagay, umaangat naman sila sa ibang mga aspeto gaya ng sining.


No comments:

Post a Comment