CHECK THIS OUT:

Search

Ina sinipa ang anak na may kapansanan dahil umano sa problema sa pera

Sinipa ng isang ginang mula sa Zamboanga City ang kaniyang sariling anak na may kapansanan dahil umano sa kanilang problema sa pera.


Ang pananakit ng ina ay naaktuhan pa sa isang video na kung saan makikitang nakaupo ang bata sa tila ba isang stroller.


Nagwawalis ang ina sa loob ng kanilang bahay nang bigla nitong tadyakan ang anak dahilan upang matumba ito sa sahig.


Ayon sa ulat ng GTV "Balitanghali" sinaktan ng ina ang kaniyang anak dahil sa hindi ito matigil sa pag-iyak.


Idinahilan din ng ginang sa kapitan ng kanilang barangay at social worker na kumausap sa kaniya na nagawa niya rin ang naturang pananakit dala ng kanilang problemang pinansiyal.


Nangako ito na hindi niya na muling sasaktan ang anak ngunit nagbabala ang awtoridad na sasampahan na siya ng kaso sa oras na maulit ang pananakit.


Source: GMA News 


No comments:

Post a Comment