CHECK THIS OUT:

Search

10 taong gulang na bata, nag-aararo sa bukid makatulong lang sa pamilya

Sa halip na nag-aaral o 'di kaya naman ay naglalaro, abala ang isang 10 taong gulang bata mula sa Sultan Kudarat sa pag-tatrabaho sa bukid makatulong lamang sa kaniyang pamilya.


Ayon sa isang episode sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" noong Linggo (Mayo 22), ang batang si Reymark Mariano ay nakatira sa poder ng kaniyang Lolo Rudy at Lola Nerissa.


Araw-araw ay nagpupunta siya sa bukid para araruhin ang dalawang hektaryang lupa katuwang ang kaniyang alagang kabayong si Rabanos.


Kahit pa pagewang-gewang at halos matumba na sa pagtutulak sa sampung kilong araro, hindi tumitigil si Reymark magkaroon lamang ng pambili ng sardinas at gamot.


Kahit pa gusto siyang tulungan ng kaniyang lolo at lola, hindi nila magawa dahil sa kanilang katandaan at kalusugan.


Apat na taon lamang si Reymark nang iwan siya ng kaniyang ina at magpakasal sa iba. Dahil dito, ang ama niya na lamang ang nag-alaga sa kaniya ngunit bigla pa itong naglaho nang magkaroon ito ng warrant of arrest dahil sa illegal possession of firearms.


“Miss ko na, dahil napapagod na po akong mag-araro dahil lang sa kanya. Kung nandito lang po siya, hindi na po ako mag-aararo. Pero sige lang, kakayanin ko para sa pamilya ko,” saad ni Reymark.


Sa kabila ng hirap, nangako pa rin si Reymark na patuloy siyang magiging matapang at matatag lalo pa at pangarap niyang maging isang sundalo upang maipatanggol ang mga tao at ang kaniyang ama.


Samantala, nang mapag-alaman  ng Department of Social Welfare and Development at local government unit of Bagumbayan, Sultan Kudarat, pinadalhan nila si Reymark at ang kaniyang pamilya ng school supplies at groceries.


Nagbigay din ang  Department of Agriculture ng mga organic fertilizer, assorted fruit trees, vegatbale seeds, mga manok, kambing, at baboy pandagdag sa kanilang hanapbuhay.'


Source: Kapuso Mo, Jessica Soho


No comments:

Post a Comment