CHECK THIS OUT:

Search

Ginang na street sweeper, nakapagtapos ng kolehiyo sa edad na 55

 

Nagsisilbing inspirasyon ngayon ang isang ginang mula sa Batangas City dahil sa kabila ng kaniyang edad at hirap ng buhay ay nagawa niyang tuparin ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.


Si Nanay Ofelia Mondaya, 56, ay isang street sweeper na minsang nag-ambisyon na makatuntong at makapagtapos sa kolehiyo upang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.


Grade four lamang ang natapos ni Nanay Ofelia dahil pinahinto siya sa pag-aaral ng kaniyang mga magulang dala ng hirap ng buhay. 


Nang mapag-alaman niya ang Alternative Learning System Accreditation and equivalency (ALS A&E) test, isang programa para sa mga out-of-school children, nagsumikap siyang pasukin ito hanggang sa maipasa niya ang ibinigay sa kaniyang pagsusulit.


Matapos nito, kumuha siya ng kursong BS Business Administration sa Colegio ng Lungsod ng Batangas hanggang sa makuha niya ang kaniyang pinakaaasam na diploma noon lamang Hulyo 2020.


Ngayon, pagkatapos ng 23 taong pagiging street sweeper, isa ng Admin Aide 1 sa Batangas City government si Nanay Ofelia.


Masayang masaya at proud an proud naman sa kaniya ang kaniyang pitong mga anak dahil bukod sa kaniyang katiyagaan ay sadya raw mapagmahal ang kanilang ina.


Payo ni Nanay Ofelia, "Ipagpatuloy ninyo ang mga pangarap. Huwag nating gawing dahilan ang kahirapan para huminto. Ginagawa natin ito hindi lang sa ating sarili, para sa ating pamilya, at sa ating kapwa.”


No comments:

Post a Comment