CHECK THIS OUT:

Search

Mark Joven Olvido, dating Philippine Got Talent finalist, arestado dahil sa ilegal na droga

Kulong ang dating finalist ng Philippine Got Talent, isang sikat na TV talent show, na si Mark Joven Olvido matapos mahulihan ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz Manila noong Biyernes (May 14, 2021).


Ayon sa ulat ng Laguna Provincial Police, isinagawa ang operasyon matapos nilang makatanggap ng reklamo ukol sa ilegal na gawain ni Olvido.


Nagpanggap ang mga pulis bilang buyer sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Duhat.


Dito na nasamsam sa suspek ang tatlong maliit na sachet ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na halagang P2,000.


Kasalukuyan na ngayon nakakulong si Olvido sa Sta. Cruz Municipal Police Station.


Si Olvido ay naging sikat sa atwag na "vape master" at sa kaniyang mga kwelang pakulo. Naging finalist siya sa PGT noong 2018 at nakasama rin sa mga ilang mga proyekto sa showbiz.

Source: ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment