CHECK THIS OUT:

Search

Delivery rider, nanghipo ng babaeng papasok lang sana sa trabaho

Haharap ngayon sa reklamong acts of lasciviousness ang isang delivery rider matapos hipuan ang isang 23-anyos na babae na napadaan lamang sa kaniyang harapan.


Ang pambabastos na ito ng rider ay nakunan pa ng isang CCTV camera sa Quezon City, umaga noong May 14.


Ayun sa ulat ng GMA News  "Balitanghali," naglalakad papasok  sa kaniyang trabaho ang biktima nang bigla siyang buntutan ng rider at saka hinipuan.


Kitang-kita sa video kung paano napatakba ang babae sa sobrang takot at ang mismong rider pabalik ng kaniyang motorsiklo upang tumakas.


Pagbabahagi ni Acey Nepomuceno, BPSO ng Barangay Mariana, takot na takot na nagsumbong sa kanila ang biktima.


Nakita raw umano nito na hawak-hawak ng rider ang kaniyang ari bago ang nasabing panghihipo.


Nakilala ng pulisya ang suspek bilang si Justine de Guzman. Napag-alaman din na mayroon pa palang isang babae na kaniyang hinipuan at balak ngayong magsampa ng reklamo. 


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment