CHECK THIS OUT:

Search

Viral: Babaeng nanakit ng traffic enforcer, sangkot sa ilegal na droga

Napag-alaman na isa palang drug courier ang babaeng nag-viral noong Huwebes (Mayo 27) dahil sa paglabag sa batas-trapiko at pananakit sa isang traffic enforcer.


Ayon sa Manila Police District Special Mayor's Reaction Team nitong Biyernes (Mayo 28), lumilitaw na sangkot sa ilegal na droga ang babae na si Pauline Altamirano, 26-anyos.


Base sa isang imbestigasyon ng awtoridad, kabilang si Altamirano sa isang grupo na ang mga miyembro ay naaresto dahil sa ilegal na droga.


“Napag-alamang drug courier ang babaeng traffic violator na nagmaneho nang walang lisensya at nanakit ng enforcer sa Malate, ayon sa ulat ng MPD SMaRT,”Manila Public Information Office (MPIO) sa kanilang Facebook post.


Bukod ngayon sa kasong isinampa sa kaniya dahil sa hindi pagsunod sa batas-trapiko at pananakit sa traffic enforcer, haharap din si Altamirano sa  reklamong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Sa isang video na nag-viral online, makikita si Altamirano na sinisigawan at sinasaktan ang isang traffic enforcer habang pilit na kinukuha ang kaniyang vehicle’s official receipt at certificate of registration (OR/CR).

No comments:

Post a Comment