CHECK THIS OUT:

Search

4P's beneficiary naiwan ang P10,000 sa ATM ; residenteng nakakita, ibinalik kaya?

Isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P's benificiary ang lubos na nanghihinayang matapos maglaho nang parang bula ang P10,000 niyang nakasinop sa kaniyang bank account. 


Ayon kay "Lydia," hindi niya tunay na pangalan, sa kaniyang panayam sa  GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Huwebes (Mayo 20),  inutusan niya ang kaniyang anak na i-check kung may laman pa ang kaniyang cash card sa Landbank dahil na-hold umano ang kaniyang ayuda sa Social Welfare Department.


Ang bilin ni Lydia sa anak, mag-withdraw ng P1,000 kung mayroong laman ang kaniyang card.


Iyon nga lang, hindi maalam sa paggamit ng ATM ang kaniyang anak kung kaya nagpatulong ito sa isang kakilala. Ngunit, sa halip na P1,000 ay P10,000 ang napindot nitong halaga.


May lumitaw na "sorry" sa ATM at saka lumabas ang ATM card kaya naman inakala ng anak ni Lydia na hindi natuloy ang withrawal.


Umalis ito ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay natuloy pala ang paglabas ng P10,000 at naiwang nakaipit sa ATM.


May isang residente ang nakapansin sa pera ngunit sa halip na pag-interesan ay inihatid niya ito sa barangay kasama ang resibo or withdrawal slip.


Sa withdrawal slip ay natukoy ang may-ari ng pera at maswerteng naibalik kay Lydia ang kaniyang P10,000. 


Lubos ngayon ang pasasalamat niya sa residenteng nagbalik ng kaniyang pera. Malaki rin daw ang natutunan niya mula sa insidente.


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment