CHECK THIS OUT:

Search

Mga babaeng naglimas sa community pantry balak kasuhan ang nag-video sa kanila

 

Nagbigay pahayag na ang mga babaeng nag-viral matapos makunan ng video na nililimas ang mga supply sa isang community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City.


Ayon kay Maricar Adriano, isa sa anim na babaeng nag-viral, hiyang-hiya na raw silang lumabas sa kanilang tahanan dahil pinagtitingnan sila ng mga tao at tinatawag pang mga magnanakaw at patay gutom. 


Dahil sa mg natatanggap  na masasakit na paratang  na ito at kasiraan sa kanilang pagkatao,  minabuti na ni Maricar at tatlo pang kasamahang babae na dumulog sa Baranggay Kapitolyo upang kasuhan ang tricycle driver na kumuha ngg nag-viral na cellphone video.


Sambit ni Maricar, balak nilang magsampa ng kasong Cyber-libel laban sa tricycle  driver.


"Sasampahan po namin siya ng kaso kasi grabe nga po yung nangyari sa'ming damage, 'di ba? Lahat ng akusahan, nagkaroon kami ng death threat kaya anmin siya irereklamo," pahayag ni Maricar sa isang panayam sa frontline Pilipinas.


Sa hiwalay na pakikipag-usap sa "24 Oras," sinabi naman ni "Shawie", hindi niya tunay na pangalan at isa rin sa mga nag-viral na kababaihan, na kaya nilang ibalik ang anumang kinuha nila sa pantry.

1 comment:

  1. Kun ndi kayo nakunan magtatawa pa kayo at magyayabang,buti nga sa inyo mga buwaya kasi kayo!

    ReplyDelete