CHECK THIS OUT:

Search

Community pantry sa Bulacan, nagmala-palengke sa dami ng gulay at isda

 

Sa unang tingin ay aakalain mo na ang isang community pantry sa Barangay Bantog, San Miguel, Bulacan ay isang palengke dahil sa dami ng mga donasyong gulay at isda para sa mga nangangailangan.


Base sa mga larawan, ang mga lamesa sa naturang community pantry  ay puno ng mga gulay gaya ng okra, talong, ampalaya, upo, kalabasa at iba po.


Mayroon din mga mga sako na nakalatag sa gilid ng kalsada laman ang mga kamatis, kamote, sili, at mga isda at alimango.


Ang pantry raw na ito ay itinayo ng Kapitan ng barangay na si Bong Maon at ng kaniyang mga pamilya bilang tulong sa mga nangangailangan.


Masayang-masaya naman ang  kaniyang mganasasakupan sapagkat mahal man ang gulay at iba pang bilihin ngayon ay nakapaghanda sila sa kanilang hapag kainan ng maayos at masustansiyang pagkain nang dahil sa community pantry.

Barangay Bantog Community Pantry.. Handog po ni Kapt Bong Maon at pamilya...

Posted by Barangay Bantog San Miguel Bulacan on Tuesday, April 20, 2021

No comments:

Post a Comment