CHECK THIS OUT:

Search

Lolo na nangutang ng pampuhunan, na-scam sa pagbili ng bultong ukay-ukay


Isang netizen ngayon mula sa Batangas City ang tumutulong sa isang matandang lalaki sa pagbenta ng mga damit na galing sa ukay-ukay mula nitong Lunes (Abril 19).


Ayon kay Janyra Sabino, naloko raw kasi ang 63-anyos na si Mamay Guryo ng kaniyang pinagbilhan ng mga produktong ukay-ukay.


“Nascam po sila ng seller nila. Order po nila ay worth 5k na shorts pero iba po ang binigay sa kanila, which is panlamig po, kaya mahihirapan sila ibenta,” pahayag ni Sabino sa kaniyang panayam sa The Philippine Star.


“So since nasa tapat po namin siya for two days no’ng kinunan ko po iyan, nagdecide po ako to check on him kung ano mga paninda niya. Magaganda naman po kaya nakabili din po ako. Kaya naiisip ko na din pong i-post para na din magkachance na may dumayo dito at mabilhan si Mamay,” dagdag ni Sabino.


Bawat isa sa mga panlamig na damit ay ibinebenta na lamang ni Mamay Guryo ng P10 nang sa gayon ay kahit papaano ay mayroon siyang kitain.


Ang pera kasi na ipinampuhunan ng matanda ay inutang lamang niya sa lending at hanggang ngayon ay hindi niya pa nababayaran. 


Sa kabutihang palad,  marami na ang nagpa-abot ng tulong sa matanda at sa kaniyang pamilya. Mayroong nagboluntaryong itinda ang mga hawak nitong panlamig na damit at mayroon ding nagpadala ng panibagong bulto ng ukay-ukay na mas madaling ibenta.

No comments:

Post a Comment