CHECK THIS OUT:

Search

Dancing sun namataan sa Agusan del Norte; nakapagpagaling umano ng may sakit

 


Muling nabuhayan ng pag-asa ang karamihan sa mga tao mula sa Nasipit Agusan del Norte nang magpakita umano ang dancing sun matapos ang isang misa sa isang kapilya noon lamang Semana Santa.


Ayon sa mga nakasaksi, matapos ang unang misa sa St. Peter Chapel noong Abril 4, Linggo ng pagkabuhay, ay bigla na lamang nilang nakita ang araw na tila ba nagsasayaw.


Base sa mga reaksyon ng mga taong nasa likod ng nakunang video, umiikot, lumalaki, umaakyat, at pumupula umano ang araw. Anila, hindi rin ito masakit sa mata kung tititigan.


Para sa  mga taga Agusan, ito ay isang milagro at senyales na may himalang magaganap sa gitna ng mga problema gaya ng kasalukuyang pandemya.


Bukod rito, may iilan ding residente ang nagpatotoo na sila ay gumaling sa kanilang karamdaman ng makita ang naturang dancing sun.


"Sabi ko talaga, 'Lord, pagalingin mo sana itong aking sakit na nararamdaman...Ngayon, maayos na akong nakakapaglakad," saad ni Julieta Felias na napagaling umano ng dancing sun.


Ayon naman sa pag-asa, imposible na gumalaw na tila ba nagsasayaw ang araw ngunit kung sakaling mangyari ito, malaking ang magiging epekto at pangatib nito sa mga nakapaligid na planeta.


Paliwanag naman ng simbahang Katoliko, ang  namataang dancing sun sa Agusan ay marahil senyales na dapat ng humarap sa liwanag ng Diyos ang sanlibutan.

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

No comments:

Post a Comment