CHECK THIS OUT:

Search

Community pantry ni Angel Locsin, dinumog; 1 senior citizen pumanaw sa gitna ng pila


Sa dami ng mga nangangailangan ng tulong, dinagsa ng mga tao ang community pantry na binuksan ng aktres na si Angel Locsin sa Quezon City noong Biyernes (April 23) bilang selebrasyon sa kaniyang 36th birthday.


'Yun nga lang, taliwas sa inaasahan, naging magulo ang takbo ng pantry lalo pa at hindi ns nasusunod ang safety protocols kontra COVID-19 gaya ng social distancing sa dami ng taong pumila rito.


Sa katunayan, dahil sa pagdagsa ng mga nais maabutan ng tulong, isang 67-anyos na lolo ang pumanaw habang nasa pila at naghihintay na makakuha ng mga pagkain at iba pang supplies sa pantry mula alas tres ng madaling araw.


Samantala, humingi naman ng paumanhin si Locsin na gulo na naidulot ng kaniyang community pantry. Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pumanaw na senior citizen.


“Sa lahat po ng naabala ngayon, pasensya na po. Hindi po ito talaga yung intensyon natin. Kahit anong paghahanda naman po natin para ma-avoid yung mga ganitong gulo, hindi lang po talaga siya ma-control,” saad ng aktres.


Nagpaalala naman ang alkalde ng lungsod na si Joy Belmonte na sa mga isinasagawang inisyatibo o pagtulong ng mga indibidwal gaya ng community pantry, dapat na makipag-uganayan sa kanilang lokal na pamahalaan nang sa gayon ay makatulong sila sa pagkontrol sa pagdagsa ng tao at pagpapatupad ng COVID-19 protocols.

No comments:

Post a Comment