Pumanaw ang isa't kalahating taong gulang na lalaki matapos siyang pagpapaluin ng kaniyang 18-anyos na ina sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City, ayon sa pulisya nitong Huwebes (April 22).
Base imbestigasyon, blunt abdominal trauma ang naging sanhi ng pagkamatay ng batang si "Ton" na punong-puno ng pasa sa buong katawan.
Salaysay ni Taguig police chief Col. Celso Rodriguez, pinagpapalo ang biktima ng patpat ng kaniyang ina na si "Wena" nang biglang umiyak habang natutulog ang 6 na buwang bunsong kapatid.
Nang makitang nahihirapang huminga si "Ton" agad siyang isinugod sa barangay health center ngunit agad din itong inilipat papuntang Taguig-Pateros District Hospital dahil sa wala na itong malay at pulso.
Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival ang bata pagdating sa ospital.
Ayon sa isang barangay health worker na si Czargent Bron, hindi makausap at iyak lamang ng iyak ang inang si "Wena."
Suspetya ni Rodrigues, marahil ay may pinagdadaanan ito dahil sa kawalan ng trabaho at iba pang problema na dala ng pandemya.
Gayunpaman, kinasuhan na si "Wena" ng kasong parricide at nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Taguig City Police.
Ang iba niya pang mga anak, isang 3 taon at 6 na buwan, ay nasa pangangalaga na ng kaniyang mga kamag-anak.
Source: ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment