CHECK THIS OUT:

Search

Ama, pinagbubugbog ng sariling anak dala umano ng kalasingan


Isang ama mula sa Lamsugod, Surallah, South Cotabato ang walang awang pinagbubugbog ng kaniyang sariling  anak dala lamang umano ng impluwensiya ng alak noong Biyernes (Abril 16) dakong alas tres ng madaling araw.


Ang pagmamalupit  ng anak sa kalunos-lunos na ama ay nakunan pa ng video na ngayon ay viral na sa social media.


Base sa video, makikita ang isang lalaki na hinahataw ng kahoy ang isang matanda na pilit namang ipinananangga ang isang papag.


Ayon kay Ayen Tang, ang nambugbog na anak, wala silang pinag-awayan ng kaniyang ama na si Tatay Julie at hindi rin umano niya alam kung bakit niya ito nagawang saktan. 


"Pa, sa susunod hindi ko na uulitin kasi hindi ko alam 'yung ginagawa no'n. 'Nung April 16, hindi ko na uulitin 'yon," paghingi ng umanhin ni Ayeng sa kaniyang ama nang kapanayamin siya sa programang Raffy Tulfo in Action.


Dagdag nito, ngayon lamang niya sinaktan ang ama at itinanggi niya na siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.


Agad namang nagpatawad si Tatay Julie. HIndi na ito pumayag na ipadampot at kasuhan ang anak dahil sa awa.

 Panoorin ang aktuwal na video sa: Raffy Tulfo in Action

No comments:

Post a Comment