CHECK THIS OUT:

Search

Vic Sotto, Pauleen Luna simple lang ang pagdiriwang sa wedding anniversary

 

Hindi tulad ng halos lahat ng mag-asawa, walang magarbong handaan at regalo ang celebrity couple na sina Pauleen Luna at Vic Sotto sa tuwing sasapit ang kanilang wedding anniversary.


Nito lamang Sabado, January 30 ay tumuntong na sa kanilang 5th wedding anniversary ang mag-asawang Vic at Pauleen.


Ayon sa panayam ng PEP kay Pauleen, sadya raw na hindi sila naghahanda at nagbibigayan ng regalo sa tuwing sasapit ang kanilang wedding anniversary at iba pang mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya.


Masaya na raw sila na magkasama sila ni Vic at ang kanilang 3-year-old daughter na si Talitha sa kanilang tahanan lalo pa ngayong mas nagkaroon sila ng magandang bonding magbuhat noong quarantine.


Dahil nabanggit na rin ang kanilang anak, natanong din si Pauleen kung may balak na silang sundan ang kanilang chikiting. Ngunit aniya, ayaw na muna nilang i-pressure ang kanilang sarili sa ganitong bagay dahil sa ngayon ay sobrang saya na nila sa kanilang unica hija.

No comments:

Post a Comment