CHECK THIS OUT:

Search

Payo ni Ai-Ai sa mga single: 'Hintay lang sa gift ni Lord'

 

Larawan galing sa PEP.COM


Bilang minsan na rin nawalan ng pag-asang makahanap ng mahal sa buhay, nagbigay payo ang aktres at komedyante na si  Ai-Ai delas Alas sa mga single at patuloy pa ring naghihintay kay "the one."


Sa kaniyang Instagram account, ikinwento ni Ai-ai ang isang punto sa kaniyang buhay kung saan aniya ay napagod siyang magmahal.


Sinabi niya pa nga sa kaniyang mga anak na sarili at sila na lamang ang kaniyang aalagaan at pagtutuunan ng pansin. Ngunit pagtutol ng mga ito, malalaki naman na sila kung kaya dapat ay sarili na lamang ni Ai-ai ang kaniyang isipin.


Hanggang sa noong 2014 ay nakilala niya si Gerald Sibayan na noon ay estudyante lamang. Kahit pa halos 30 taon ang agwat ng kanilang edad ay lumago ang kanilang relasyon na nauwi pa sa kasalan.


Kung kaya payo ni Ai-ai sa mga wala pang nobyo at nabya ay huwag mawalan ng pag-asa at maghintay lamang sa regalo ng Panginoon. Pagbibiro niya pa, baka naman hindi pa naipapanganak ang nakatakda sa kanila.

No comments:

Post a Comment