CHECK THIS OUT:

Search

Kiray Celis, binigyan ng money bouquet ang magulang bilang Valentine's gift


Sa halip na tsokolate, cake, o mga materyal na bagay, pera ang naisip na regalo  ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis sa kaniyang mga magulang ngayong Valentine's day.


Sa Instagram account ni Kiray ay ibinahagi niya ang larawan ng kaniyang ama at ina na may hawak na higanteng money bouquet na ipinagawa niya pa sa isang flowershop.


Ayon sa aktres, pasasalamat niya ito sa walang sawang suporta, pagmamahal at pag-iintindi sa kaniya ng kaniyang mga magulang.


Aniya, kahit na hindi siya perpektong anak ay gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya guminhawa lamang ang buhay ng kaniyang mga magulang.


Humingi pa ng dispensa si Kiray dahil iyon lamang ang kaniyang nakayanang ibigay ngunit pahabol naman siya, sa susunod ay tig-iisang libo na ang laman ng flower bouquet.


Hindi rin nakalimutan batiin ng aktres para sa Valentine's at monthsary ang nobyo nito na isang taon at dalwang buwan niya ng kasama. 

No comments:

Post a Comment