CHECK THIS OUT:

Search

Ina, ipinapaampon ang anak kay Doc Willie Ong


Labis na pagkagulat ang naramdaman ng tanyag na doktor na si Doc Willie Ong matapos magpadala ng mensahe sa kaniya ang isang ina na nais ipaampon ang isa sa kaniyang mga anak.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Doc Ong sa kaniyang official Facebook page na siya ay mamimigay ng regalo sa mga tao. Binigyan niya ng oportunidad ang lahat na magpahayag o magmensahe ng kahit na ano sa kanilang kahilingan at susubukan niya itong tuparin.


Halos lahat ng mga tao ay humihiling ng cellphone, tablet, pera, o di kaya naman ay gamot kung kaya laking gulat ng doktor nang mabasa niya ang pakiusap ng isang ina na ampunin ang kahit sino sa kaniyang apat na anak.


Dahil dito ay ibinahagi ni Doc Ong sa social media noong Pebrero 11 ang kaniyang nararamdaman sa hiling ng ina. Aniya, hindi siya mapakali at hindi niya malaman kung ano ba ang dapat gawin sa natanggap na mensahe.


Marami sa mga netizen ang nagpayo  kay Doc Ong na tulungan ang ina dahil maaaring sa sobrang hirap ng kanilang buhay ay nais niya na lamang ipamigay ang kaniyang anak upang hindi na ito makaranas ng kahirapan.


Kinabukasan naman (Pebrero 12) ay pinadalhan ng asawa ni Doc Ong na si Doc Liza ng pera ang nakikiusap na ina. Lubos ang pasasalamat nito dahil hindii niya lubos akalain na may taong tutulong sa kaniya.

No comments:

Post a Comment