CHECK THIS OUT:

Search

Netizen, humihingi ng tulong online matapos mapatay ang panabong ng ama

 


Sa halip na kaawaan ay kinakaaliwan ng mga tao ngayon sa social media ang isang netizen na humihingi ng tulong matapos niyang aksidenteng mapatay ang manok na panabong ng kaniyang ama.


Sa isang post ng Facebook user na si Anna Marie Mahilum Balaguer ay tinatanong niya kung ano kaya ang maaari niyang gawin sa oras na makauwi at malaman ng kaniyang ama na patay na pala ang kaniyang manok.


Kwento ni Balaguer, hindi naman niya sinasadyang mapatay ang manok ng ama. Dumadaan lamang daw siya ng bigla siyang tukain nito sa paa dahilan upang mapukpok niya ito sa ulo.


Dagdag pa niya, mahal na mahal ng kaniyang ama ang kaniyang manok na ipanlalaban niya pa man din sa sabong sa susunod na linggo.


Marami namang netizens ang nagbigay ng komento at pabirong nagsabi na humanda na lamang siya dahil siya na ang ipansasabong ng kaniyang ama.


Makalipas ang ilang oras, ipinost ni Balaguer sa comment section ng kaniyang post ang larawan ng isang mangkok na tinola. Iniluto na lamang pala ang napatay niyang manok.

No comments:

Post a Comment