Sira-sira na nang matagpuan ang mga imahen ng mga santo sa labas ng Parish of St. Padre Pio sa Legazpi City, Albay nito lamang nakaraang linggo.
Kabilang sa mga sinira ng salarin ay ang imahe ng Our Lady of Salvation sa entrance ng simbahan. Wasak ang kanang kamay nito at pinutulan rin ng kaliwang kamay ang mga anghel na nakapaligid rito.
Ang isang santo na nasa ibaba ng mga ito ay pinugutan pa ng ulo habang sinira naman ang mga daliri ng imahen ni St. Padre Pio.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tukoy kung sino ang salarin sa pagwasak sa mga imahen na ibinigay lamang sa simbahan tatlong taon na ang nakararaan.
Ngunit sa ngayon, isang taong grasa ang tinitingnang salarin lalo pa at paligid-ligid ito sa simabahan bago ang pangyayari.
No comments:
Post a Comment