CHECK THIS OUT:

Search

Dating 'Miss Q and A' contestant sa 'It's Showtime,' naputulan ng paa

 

Naputulan ng paa ang beauty queen at dating contestant ng 'It's Showtime na si Jayson Jiz De Ortega o mas kilala sa pangalang Jennifer Collins matapos itong maaksidente tatlong taon na ang nakalilipas.


Naging viral noon si Collins dahil sa pagkakabangga ng tricycle na kaniyang sinasakyan sa isang jeep na ayon sa ulat ay mabilis ang patakbo.

Ayon sa kaibigan ni Collins, agad siyang itinakbo sa Philippine General Hospital matapos ang aksidente ngunit halos mag-agaw buhay ito dahil sa pagkakaputol ng kaniyang binti.


Dahil din dito ay napagpasyahan ng isa pang kaibigan ni Collins na si Jam Arenas na ihingi siya ng tulong sa pamamagitan ng social media lalo pa ata wala itong gaanong ipon dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.


Agad naman ding bumuhos ang tulong mula sa  mga kaibigan at kakilala ni Collins para masuportahan ang kaniyang gastusin.


Ngayong tatlong taon na ang nakalilipas, hiling ng marami na sana ay nasa maayos ng kalagayan at posisyon sa buhay ang beauty queen.

No comments:

Post a Comment