CHECK THIS OUT:

Search

Basurero sa Pampanga ginulat ang netizens sa bonggang transformation

 


Pinupusuan ngayon ng netizens ang mala-model na transpormasyon ng isang mangangalakal matapos itong ayusan ng isang make-up artist at hairstylist mula sa Angeles City, Pampanga.


Bukod sa ginupitan ay binihisan din ni Richard Stranz ang mangangalakal na si Dennis Pascual na matagal niya na raw nakikitang palaboy-laboy sa kalsada.



Ayon kay Stranz, napagdesisyunan niyang kausapin at alukin ng make-over si Pascual nang minsang napadaan ito sa kaniyang salon.



Dito na napag-alaman ni Stranz na inabanduna na pala ng kaniyang pamilya si Pascual magbuhat nang siya ay pitong taong gulang at magpahanggang ngayon ay hindi niya alam ang kaniyang pinanggalingan.



Dagdag pa niya, nangongolekta ng basura si Pascual upang mairaos ang kaniyang pang-araw-araw na pagkain. Natutulog na lamang ito sa kalsada at palipat-lipat din ng lugar upang makapangalakal.



Sa mga kuhang larawan ni Pascual mula sa kaniya mini photoshoot ay makikitang mala-model nga ang kaniyang datingan. Sa katunayan, marami ang nagsasabi na may pagkakahawig ito sa Hollywood actor na si Chris Patt.


No comments:

Post a Comment