CHECK THIS OUT:

Search

Kasambahay, nilason ang amo dahil hindi makabale


Naging malagim ang karanasan ng isang pamilya matapos nilang  tanggapin ang isang kasambahay dahil sa umano'y paglason nito sa padre de pamilya gamit ang sosa noon lamang Oktubre 10.


Kwento ni Mel Panabi, inirekomenda ng kanilang kalapit bahay ang kasambahay na si Tess. Naging maayos ang panayam nila rito sa telepono kung kaya tinanggap nila ito sa kanilang tahanan.


Nang dumating ito bandang katapusan ng Pebrero noong nakaraang taon sa kanilang bahay, labis na nadismaya ang pamilya ni Panabi dahil hindi ito marunong magluto, gumawa ng gawaing bahay, may bisyo, at matigas ang ulo taliwas sa mga sinabi niya nang makausap siya sa telepeno.

Madalas pa itong bumale sa kaniyang mga amo hanggang sa umabot na sa mahigit P15,000 ang kaniyang nahingi. Dito na sinabi sa kaniya ng pamilya ni Panabi na hindi na siya muli pang makahihingi ng maagang sweldo.


Subalit, hindi ito matanggap ng kasambahay kung kaya nang umalis ang kaniyang mga amo ay pumuslit ito sa kanilang kwarto at nilagyan ng sosa ang lalagyan ng inumin ni Panabi.


Pag-uwi ni Panabi, dumiretso ito sa kwarto ng kanilang asawa at dito na nainom ang sosa na inilagay ng kasambahay sa kaniyang inumin. Nagsuka ito ng dugo at  agarang itinakbo sa ospital.


Dahil sa nangyari, nasunog ang lalamunan ni Panabi. Ilang buwan din ang hinintay nito upang makakain ng pagkain na hindi kailangan padaanin sa tubo. Gayunpaman, nagpapasalamat siya na hindi ang kaniyang asawa, anak, ina, at biyenan ang nabiktima ng kasambahay.

No comments:

Post a Comment