CHECK THIS OUT:

Search

3 magkakapatid, lapnos ang balat matapos masunugan ng bahay


Kalunos-lunos ang sinapit ng tatlong magkakapatid mula sa Cabiran, Biliran matapos masunog ang kanilang bahay kamakailan lamang.


Lapnos ang katawan ng mga puslit na ang edad ay anim na buwan, dalawang taon, at anim na taon lamang.


Ang pinakanapuruhan ay ang  anim na buwang sanggol na nagtamo ng paso sa mukha, braso, paa at iba pang bahagi ng katawan.


Ayon kay Mary Joyce Mangaron Martos, na siyang nagbahagi ng kwento, nasunog ang tahanan ng pamilya matapos tumaob ang gasera na kanilang ginagamit bilang ilaw.


Dahil si insidente, wala na ring tahanan na mauuwian ang mga ito ngunit hindi tukoy kung saan ngayon nanunuluyan ang mag-anak.


Hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin sa Biliran Provincial Hospital ang anim na buwang sanggol habang ang kaniyang mga nakatatandang kapatid ay sa labas na ng pasilidad nagpapalakas.

No comments:

Post a Comment