CHECK THIS OUT:

Search

Kakai Bautista, ibinida ang kaniyang outfit mula sa ukay

Proud na ipinakita ng komedyanteng si Kakai Bautista sa kaniyang social media account ang kaniyang pagkahumaling sa “ukay fashion” na bukod sa mura na ay maganda pa.


Sa larawang ibinahagi ni Kakai sa Instagram, suot niya ang isang black top at pleat skort na kapwa nabili niya sa isang ukay shop sa Tagaytay sa halagang P110 lamang.



Sa caption niya ay tinanong niya pa ang madla kung maging sila ay bumibili rin ng damit sa ukay-ukay sabay sabing nami-miss na niya ang pagsho-shopping dito.



Marami naman sa mga followers ni Kakai ang sumagot at naka-relate sa kaniyang ukay fashion. May isa pa nga na nagsabi na ang gown na isinuot niya sa kaniyang kasal ay nabili niya sa ukay sa halagang P150 at P250 naman para sa sapatos.



Ang post ni Kakai ay paalala sa marami na hindi kailangang gumastos ng laksa-laksang salapi para lang magkaroon ng magandang kasuotan at pormahan.



Dagdag pa ng komedyante, wala rin namang masama na bumili ng mamahalin o branded na gamit basta huwag mangutang para makaporma lang.


No comments:

Post a Comment