Isinumbong sa tanggapan ni Raffy Tulfo in Action ang isang pabrika ng candy sa Malabon dahil sa dugyot nitong lugar at hindi makatarungang pagpapasweldo sa mga tauhan nito.
Sa mga larawang kuha mula sa pabrika, makikita kung gaano karumi ang lugar kung saan ipinoproseso ang mga candy. Walang takip ang mga container na pinaglalagyan nito at wala ring suot na gloves ang mga tauhan.
Ayon sa isang empleyado, gusto lamang sana nilang magkaroon ng makatarungan sweldo mula sa aniya'y walang awa nilang boss.
Sinubukang tawagan ni Tulfo ng ilang beses ang may-ari ng pabrika ngunit hindi ito makausap ng maayos ng programa.
Ipina-assist naman sa PESO office ng munisipyo ng Malabon ang mga empleyado nito nang sa gayon ay makakuha sila ng karampatang benepisyo.
Sa kabilang banda, kasalukuyang nakasara ang pabrika dahil sa tatlong violation na nakita sa inspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Malabon.
No comments:
Post a Comment