CHECK THIS OUT:

Search

Jeep sa Pampanga, kinagiliwan dahil sa kakaibang disenyo


Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang jeep sa Pampanga dahil sa kakaiba nitong disenyo at ayos ng mga upuan na tamang-tama ngayong may pandemya.


Sa litratong ibinahagi ng netizen na si Miguel Paulo, makikita na ang mga upuan sa loob ng jeep ay marami at pang-isahan lamang. Hindi katulad ng nakagisnang pahaba at magkabilaang upuan na kayang pagkasyahin ang siyam hanggang sampung katao.


Ang mga upuan ay nakaharap sa direksiyon ng tsuper. Mayroon itong cushion at sandalan kung kaya tiyak na komportable ang mga pasahero.


Customized man ang disenyo, sumusunod pa rin ito sa social distancing protocol na ipinapairal sa bansa lalo pa at hindi naman magkakadikit ang mga upuan at may plastic din na nagsisilbing harang sa bawat pasahero.


Base sa ulat, Alex Dayrit ang pangalan ng nagmamaneho sa naturang jeep. May ruta itong pa-Angeles at San Fernando.

 

No comments:

Post a Comment