CHECK THIS OUT:

Search

Estudyante patay dahil sa hazing; 15 katao sangkot sa imbestigasyon

 


Isang Chemical engineering student ang natagpuang patay sa Imus Cavite meron itong marka ng hazing, ayon sa mga Police nasa 15 ka tao ang maiimbestigahan.


"Maliban sa statement ng ating mga witness, nakitaan natin ng mga pasa ang biktima sa kanyang binti," Police Lieutenant Colonel Virgilio Jopia, acting chief ng police of Philippine National Police-Biñan, Laguna, sabi sa interview.


Ang mga police ay kasalukuyang hinihintay ang autopsy report, "'Yung ating biktima, sumailalim na sa autopsy examination at 'yon ang hinihintay natin, ang official report," sabi ni Jopia.


Noong Martes, ang katawan ni John Matthew Salilig, isang estudyante ng Adamson University sa Manila, ay ilang linggo narin ang nakakalipas matapos makitang buhay.


"'Yung labi ng ating biktima ay natunton sa pamamagitan din ng pagtuturo din ng kanyang mga kasama du'n sa ginawa nilang initiation rites dito sa bayan ng Biñan," sabi ni Jopia.


Ang 15 na katao na iimbestigahan, ang pito roon ay kabilang sa frat na Tau Gamma Phi. "'Yung aming assessment, out of fear ito, nu'ng mga bata," nasabi ito dahil inilibing agad aiya ni hindi muna dinala sa hospital.


"Dahil sa ginawa nating masusing investigation doon sa lahat ng personalities involved, isa-isa silang nagpunta sa ating police station," dagdag pa ni Jopia.


"Habang nagaganap ang initiation rites, nagkaroon na ng senyales ng paghihirap ang biktima dahil bandang alas-tres ng hapon ay according to the witness sumuka 'yung ating biktima," sabi ni Jopia.


"Along the way pabalik ng Maynila, ito ay binawian na ng buhay," dagdag pa niya.


"Mayroon tayong nasampahan na kaso ng una, 'yung obstruction of justice. Kasama din po ito doon sa ginawang initiation rites. Tapos nandito sa ating himpilan yung pito na sumasailalim sa investigation," sabi ni Jopia.

No comments:

Post a Comment