CHECK THIS OUT:

Search

Boy Abunda dismayado kay Liza Soberano dahil sa kaniyang Vlog na "This is me"


Dismayado ang TV host na si Boy Abunda sa inilabas na vlog sa YouTube ng aktres na si Liza Soberano.


Simula pa noong Linggo, February 26, 2023, usap-usapan na sa social media ang "this is me" vlog ni Liza sa YouTube na naglalaman ng mga detalye patungkol sa kanyang showbiz career.


Dito ay ipinaliwanag ni Liza kung bakit siya nagdesisyong lumipat ng talent management company na hahawak sa kanyang showbiz career.


Noong June 2022, pumirma ng kontrata si Liza sa Careless Music, ang music label at management company na pagmamay-ari ng singer-actor na si James Reid.


Hindi na nag-renew ng kontrata si Liza sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager niyang si Ogie Diaz.


Sa vlog, sinabi ni Liza na ang paglipat niya ng management ang nagbigay daan sa kanyang kumawala sa mga taong nagdidikta sa mga ginagawa niya sa loob ng mahabang panahon.


"I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong ng nangyayari sa aking karera, na I was working with three directors na paulit-ulit.'

" Ani ni Liza.


Mula raw kasi noong siya ay 16 years old ay laging ibang tao ang nasusunod kung anong proyekto ang gagawin niya at limitado lamang ang mga taong nakakatrabaho niya.


Dahil sa pahayag na ito, may ilang kumukuwestiyon at bumabatikos sa kawalan umano ng appreciation ni Liza sa mga proyekto at mga taong naging daan para sumikat siya bilang artista.


Kabilang sa nagbigay ng reaksiyon ay ang dati niyang manager na si Ogie.


Bukod sa pagiging beteranong host, si Boy ay isa ring talent manager at hindi niya tanggap ang sinabi ni Liza sa social media na para bang walang naitulong ang mga taong nakapaligid sakanya.


Sabi ni Boy, "Marami po akong gustong sabihin. Disappointed po ako doon sa vlog, I'm not disgusted but I am extremely disappointed with the vlog. 


"Saan po ang pinanggagalingan ko? Let me talk as a manager. Gusto kong magsalita bilang manager.



"May karapatan ba si Liza Soberano magbago ng management? May karapatan ba si Liza Soberano na magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza Soberano na hawakan na ang kanyang karera?



"Ang kasagutan po sa lahat ng iyon ay oo. She has the right to do what she's doing."


No comments:

Post a Comment