CHECK THIS OUT:

Search

Misis na OFW, patay sa 300 saksak ng kaniyang mister sa Pangasinan


Tinatayang nasa 300 na saksak umano ang natamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng 39-anyos na Overseas Filipino Worker, ito ay kagagawan ng kaniyang sariling mister sa Mangalda, Pangasinan.

 

Ang nangyaring insidente ay sa loob ng isang hotel inn sa Barangay sa Mangaldan, Pangasinan.

 

Ayon sa resulta ng medico-legal ng biktima, tinatayang 300 na saksak ang nakita sa ibat ibang bahagi ng katawan ng biktima. Sa imbestigasyon ng pulisya, matinding selos ang lumalabas na motibo sa krimen.

 

Saad ni ni Mangaldan Police Station PCAD-WPCD officer Police Captain Charisse Pacheco “Ayon po sa investigation nagkaroon po sila ng pagtatalo at nagkaroon na po ng away at doon na po nagkaroon ng pagpatay.”

 

Naaresto ang suspek ngunit tumanggi na siyang humarap sa camera. Gayunman, inamin niya ang ginawang krimen at pinagsisihan niya raw ito. Nag-ugat umano ang pananaksak nang bigong maipakita ng biktima ang kaniyang cellphone sa suspek.

No comments:

Post a Comment