CHECK THIS OUT:

Search

Alex Gonzaga, binatikos sa social media dahil sa pagpahid ng cake sa noo ng waiter


Ngayong Lunes, January 16, 2023, ang ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nagdiwang siya sa Tropang LOL, ang late-morning variety show na kinabibilangan niya at napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa TV5 at Kapamilya Channel.

 

“Pinagpe-pray po namin, Lord, na this year and this week, Lord, kami po ay maka-bless ng ibang tao Panginoon," bahagi ng panalangin ni Alex.

 

Ngunit nabahiran ng kontrobersiya ang mapayapa sanang pagdiriwang ng kaarawan matapos pagpapasa-pasahan ang video clip ng kanyang advanced 35th birthday celebration.

 

Pinararatangan si Alex ng "insensitive" at "hindi makataong trato" sa waiter na may hawak ng moist chocolate cake dahil pinahiran ni Alex ang waiter ng chocolate icing sa noo matapos nitong mahipan ang kandila.

 

Kasama ni Alex sa video ang asawa niya, si Lipa City Councilor Mikee Morada at ginanap ang birthday salubong kay Alex sa Joya Lofts and Towers sa Rockwell, Makati, kagabi, January 15.

 

Labingdalawang (12) segundo lamang ang haba ng video pero malakas ang epekto nito sa netizens. Binash nila si Alex na hindi nila kinikilalang kikay lamang at mapagbiro sa pangyayaring ito.

 

Sabi ng isang netizen: "Nag se-celebrate din kami ng birthday, pero DI GANYAN ka bastos at walang MODO. anyway, GOODLUCK mga..."

 

Nagpahayag din sila ng awa at simpatiya sa waiter na sa tingin nila'y biktima ng labis na katuwaan ng TV host-actress.

 

Sabi ng isa pa: "I feel sorry kay kuya server... because for sure, he felt humiliated. HINDI NAKAKATUWA. Sana masaya ka sa birthday mo."

 

Sabi naman ng isa: "Syempre biro lang sa kanila yan!!! Most powerful sila dba? Pro ung waiter, mahal niya trabaho niya."

No comments:

Post a Comment