CHECK THIS OUT:

Search

Isang lalaki, nag-invest ng P230K sa online app ngunit 'di na ma-withdraw ang pera

 


Hindi na raw ma-withdraw ng isang lalaking nag-invest ng P230,000 sa isang online app ang kanyang pera. nakakuha naman daw siya ng payout na 10% mula sa online investiment app noong una at nakapag withdraw pa ng higit na P20,000.


"Nakatanggap ako ng payout hanggang May. So, akala ko legit talaga ang investment," pahayag ni Genlor Obdianela ang may ari ng pera.


Kaya nahikayat pa umano siyang mag-invest pa. Sa kabuuan, umabot na ng P230,000 ang naipasok niya sa investment ngunit bigla umanong nag-close ang investment app at ilang buwan na rin umanong hindi napo-proseso ang kanyang withdrawal request.


"Pinapakiramdaman ko ang mga hearsay na hindi SEC registered... at ang SEC also warned us na hindi nga registered si Flint [ang online investment app]. Nung nagpunta ako sa office address, wala bare na bare yung sinabing office ng Flint," ayon kay Genlor, na isang IT Specialist.


Ngayon, ang kayang halos P209, 000 sa kanyang digital wallet, ay hindi na niya ma-withdraw at hindi na ma-contact ang Flint, hindi lang si Benlor ang nabiktima ng Flint, karamihan umano mga OFW.


Nagsampa na ng rekalmo sa pamunuan ng National Bureau of Investigation si Benlor laban sa pamunuan ng Flint.



No comments:

Post a Comment