CHECK THIS OUT:

Search

'Confirmed' nanganak na raw si AJ Raval, ayon kay Ogie Diaz


Ayon sa kaniyang source ni Ogie Diaz isinilang na raw ni AJ Raval ang kanyang baby sa isang ospital na matatagpuan sa loob ng Pasig City.


Sinabi ni Ogie sa kanyang mga co-host na, “May nag-confirm na si AJ Raval ay nanganak na.” Ayon kay Ogie, hindi niya maiwasang mataranta kung dapat ba nilang paniwalaan ang kanilang source o ang sinasabi ng ama ni AJ na si Jeric Raval, na hindi totoong buntis ang aktres.


“Ako’y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang,” sinabi ni Diaz.


Ibinahagi pa ng talent manager ang isa pang detalye; na sinasabing hinihintay umano ni Aljur Abrenica ang aktres sa labas ng ospital, ayon sa kanilang source. “Si Aljur Abrenica raw ay nandun sa labas ng madaling araw, noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandun siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually malaman ng ating source na, ‘Ayun. Si Aljur nga yun.’ Kasi tinanggal ang face mask,” saad pa ni Ogie.


Sinabi umano ng source ni Ogie na iba raw ang ginamit ni AJ na apelyido, Alvarez daw, sa halip na Raval. “Tapos agad-agad naman daw, pagkatapos manganak ay inilabas na. Ang ginamit daw na apelyido nitong si AJ ay Alvarez,” ayon umano sa source ni Ogie.


Nang tanungin ni Mama Loi kung paano natukoy ng mga tao na si AJ iyon, sinabi ni Ogie, “Kaya na-identify na si AJ ‘yun kasi yung tattoo sa dibdib.”



No comments:

Post a Comment